Chapter 13 - Genesis

1 And Abram went up out of Egypt, he, and his wife, and all that he had, and Lot with him, into the south.1 At umahon sa Timugan si Abram mula sa Egipto, siya at ang kaniyang asawa, at ang lahat ng kaniyang tinatangkilik, at si Lot na kaniyang kasama.
2 And Abram was very rich in cattle, in silver, and in gold.2 At si Abram ay totoong mayaman sa hayop, sa pilak, at sa ginto.
3 And he went on his journeys from the south even to Bethel, unto the place where his tent had been at the beginning, between Bethel and Hai;3 At nagpatuloy si Abram ng kaniyang paglalakbay mula sa Timugan hanggang sa Bethel, hanggang sa dakong kinaroroonan noong una ng kaniyang tolda sa pagitan ng Bethel at ng Hai;
4 Unto the place of the altar, which he had made there at the first: and there Abram called on the name of the LORD.4 Sa dako ng dambana na kaniyang ginawa roon nang una: at sinambitla doon ni Abram ang pangalan ng Panginoon.
5 And Lot also, which went with Abram, had flocks, and herds, and tents.5 At si Lot man na kinasama ni Abram ay may tupahan at bakahan, at mga tolda.
6 And the land was not able to bear them, that they might dwell together: for their substance was great, so that they could not dwell together.6 At sila'y hindi makayanan ng lupain, na sila'y manahan na magkasama: sapagka't napakarami ang kanilang pag-aari, na ano pa't hindi maaring manirahang magkasama.
7 And there was a strife between the herdmen of Abram's cattle and the herdmen of Lot's cattle: and the Canaanite and the Perizzite dwelled then in the land.7 At nagkaroon ng pagtatalo ang mga pastor ng hayop ni Abram at ang mga pastor ng hayop ni Lot; at ang Cananeo at ang Pherezeo ay naninirahan noon sa lupain.
8 And Abram said unto Lot, Let there be no strife, I pray thee, between me and thee, and between my herdmen and thy herdmen; for we be brethren.8 At sinabi ni Abram kay Lot, Ipinamamanhik ko sa iyong huwag magkaroon ng pagtatalo, ikaw at ako, at ang mga pastor mo at mga pastor ko; sapagka't tayo'y magkapatid.
9 Is not the whole land before thee? separate thyself, I pray thee, from me: if thou wilt take the left hand, then I will go to the right; or if thou depart to the right hand, then I will go to the left.9 Di ba ang buong lupain ay nasa harap mo? Humiwalay ka nga sa akin, ipinamamanhik ko sa iyo: kung ikaw ay pasa sa kaliwa, ay pasa sa kanan ako: o kung ikaw ay pasa sa kanan, ay pasa sa kaliwa ako.
10 And Lot lifted up his eyes, and beheld all the plain of Jordan, that it was well watered every where, before the LORD destroyed Sodom and Gomorrah, even as the garden of the LORD, like the land of Egypt, as thou comest unto Zoar.10 At itiningin ni Lot ang kaniyang mga mata, at natanaw niya ang buong kapatagan ng Jordan, na pawang patubigan na magaling sa magkabikabila, kung pasa sa Zoar, bago giniba ng Panginoon ang Sodoma at Gomorra, ay gaya ng halamanan ng Panginoon, gaya ng lupain ng Egipto.
11 Then Lot chose him all the plain of Jordan; and Lot journeyed east: and they separated themselves the one from the other.11 Kaya't pinili ni Lot sa kaniya ang buong kapatagan ng Jordan; at si Lot ay naglakbay sa silanganan: at sila'y kapuwa naghiwalay.
12 Abram dwelled in the land of Canaan, and Lot dwelled in the cities of the plain, and pitched his tent toward Sodom.12 Tumahan si Abram sa lupain ng Canaan; at si Lot ay tumahan sa mga bayan ng kapatagan, at inilipat ang kaniyang tolda hanggang sa Sodoma.
13 But the men of Sodom were wicked and sinners before the LORD exceedingly.13 Ang mga tao nga sa Sodoma ay masasama at mga makasalanan sa harap ng Panginoon.
14 And the LORD said unto Abram, after that Lot was separated from him, Lift up now thine eyes, and look from the place where thou art northward, and southward, and eastward, and westward:14 At sinabi ng Panginoon kay Abram, pagkatapos na makahiwalay si Lot sa kaniya, Itingin mo ngayon ang iyong mga mata, at tumanaw ka mula sa dakong iyong kinalalagyan, sa dakong hilagaan, at sa dakong timugan, at sa dakong silanganan, at sa dakong kalunuran:
15 For all the land which thou seest, to thee will I give it, and to thy seed for ever.15 Sapagka't ang buong lupaing iyong natatanaw ay ibibigay ko sa iyo, at sa iyong binhi magpakaylan man.
16 And I will make thy seed as the dust of the earth: so that if a man can number the dust of the earth, then shall thy seed also be numbered.16 At gagawin kong parang alabok ng lupa ang iyong binhi: na ano pa't kung mabibilang ng sinoman ang alabok ng lupa ay mabibilang nga rin ang iyong binhi.
17 Arise, walk through the land in the length of it and in the breadth of it; for I will give it unto thee.17 Magtindig ka, lakarin mo ang lupain, ang hinabahaba at niluwang-luwang niyan; sapagka't ibibigay ko sa iyo.
18 Then Abram removed his tent, and came and dwelt in the plain of Mamre, which is in Hebron, and built there an altar unto the LORD.18 At binuhat ni Abram ang kaniyang tolda, at yumaon at tumahan sa mga punong encina ni Mamre na nasa Hebron, at siya'y nagtayo roon ng dambana sa Panginoon.