1 Now concerning the collection for the saints, as I have given order to the churches of Galatia, even so do ye. | 1 Ngayon tungkol sa ambagan sa mga banal, ay gawin din naman ninyong gaya ng iniutos ko sa mga iglesia ng Galacia. |
2 Upon the first day of the week let every one of you lay by him in store, as God hath prospered him, that there be no gatherings when I come. | 2 Tuwing unang araw ng sanglinggo ang bawa't isa sa inyo ay magbukod na magsimpan, ayon sa kaniyang iginiginhawa, upang huwag nang gumawa ng mga ambagan sa pagpariyan ko. |
3 And when I come, whomsoever ye shall approve by your letters, them will I send to bring your liberality unto Jerusalem. | 3 At pagdating ko, ang sinomang inyong mamagalingin, ay sila ang aking susuguin na may mga sulat upang makapagdala ng inyong abuloy sa Jerusalem: |
4 And if it be meet that I go also, they shall go with me. | 4 At kung nararapat na ako naman ay pumaroon, sila'y isasama ko. |
5 Now I will come unto you, when I shall pass through Macedonia: for I do pass through Macedonia. | 5 Nguni't ako'y paririyan sa inyo, pagkaraan ko sa Macedonia; sapagka't magdaraan ako sa Macedonia; |
6 And it may be that I will abide, yea, and winter with you, that ye may bring me on my journey whithersoever I go. | 6 Datapuwa't marahil ako'y matitira sa inyo o makikisama sa inyo sa taginaw, upang ako'y tulungan ninyo sa aking paglalakbay saan man ako pumaroon. |
7 For I will not see you now by the way; but I trust to tarry a while with you, if the Lord permit. | 7 Sapagka't hindi ko ibig na kayo'y makita ngayon sa paglalakbay; sapagka't inaasahan kong ako'y makikisama sa inyong kaunting panahon, kung itutulot ng Panginoon. |
8 But I will tarry at Ephesus until Pentecost. | 8 Datapuwa't ako'y titigil sa Efeso hanggang sa Pentecostes; |
9 For a great door and effectual is opened unto me, and there are many adversaries. | 9 Sapagka't sa akin ay nabuksan ang isang pintuang malaki at mapapakinabangan, at marami ang mga kaaway. |
10 Now if Timotheus come, see that he may be with you without fear: for he worketh the work of the Lord, as I also do. | 10 Ngayon kung dumating si Timoteo, ingatan ninyo na siya'y mapasainyo na walang pangamba; sapagka't ginagawa niya ang gawain ng Panginoon, na gaya ko rin naman: |
11 Let no man therefore despise him: but conduct him forth in peace, that he may come unto me: for I look for him with the brethren. | 11 Sinoman nga ay huwag humamak sa kaniya. Kundi tulungan ninyo siyang payapa sa kaniyang paglalakbay, upang siya'y makaparito sa akin: sapagka't inaasahan ko siya'y kasama ng mga kapatid. |
12 As touching our brother Apollos, I greatly desired him to come unto you with the brethren: but his will was not at all to come at this time; but he will come when he shall have convenient time. | 12 Nguni't tungkol sa kapatid na si Apolos, ay ipinamanhik ko sa kaniyang malabis na siya'y pumariyan sa inyong kasama ng mga kapatid: at sa anomang paraan ay hindi niya kalooban na pumariyan ngayon; nguni't paririyan pagkakaroon niya ng panahon. |
13 Watch ye, stand fast in the faith, quit you like men, be strong. | 13 Magsipagingat kayo, mangagpakatibay kayo sa pananampalataya, kayo'y mangagpakalalake, kayo'y mangagpakalakas. |
14 Let all your things be done with charity. | 14 Gawin ninyo sa pagibig ang lahat ninyong ginagawa. |
15 I beseech you, brethren, (ye know the house of Stephanas, that it is the firstfruits of Achaia, and that they have addicted themselves to the ministry of the saints,) | 15 Ipinamamanhik ko nga sa inyo, mga kapatid (nalalaman ninyo na ang sangbahayan ni Estefanas ay siyang pangunahing bunga ng Acaya, at nangagsitalaga sa paglilingkod sa mga banal), |
16 That ye submit yourselves unto such, and to every one that helpeth with us, and laboureth. | 16 Na kayo'y pasakop naman sa mga gayon, at sa bawa't tumutulong sa gawa at nagpapagal. |
17 I am glad of the coming of Stephanas and Fortunatus and Achaicus: for that which was lacking on your part they have supplied. | 17 At ikinagagalak ko ang pagdating ni Estefanas at ni Fortunato at ni Acaico: sapagka't ang kakulangan ninyo ay pinunan nila. |
18 For they have refreshed my spirit and yours: therefore acknowledge ye them that are such. | 18 Sapagka't inaliw nila ang aking espiritu at ang inyo: magsikilala nga kayo sa mga gayon. |
19 The churches of Asia salute you. Aquila and Priscilla salute you much in the Lord, with the church that is in their house. | 19 Binabati kayo ng mga iglesia sa Asia. Kayo'y binabating malabis sa Panginoon ni Aquila at ni Prisca pati ng iglesiang nasa kanilang bahay. |
20 All the brethren greet you. Greet ye one another with an holy kiss. | 20 Binabati kayo ng lahat ng mga kapatid. Kayo'y mangagbatian ng halik na banal. |
21 The salutation of me Paul with mine own hand. | 21 Ang bati ko, ni Pablo na sinulat ng aking sariling kamay. |
22 If any man love not the Lord Jesus Christ, let him be Anathema Maranatha. | 22 Kung ang sinoman ay hindi umiibig sa Panginoon, ay maging takuwil siya. Maranatha. |
23 The grace of our Lord Jesus Christ be with you. | 23 Ang biyaya ng Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawa. |
24 My love be with you all in Christ Jesus. Amen. | 24 Ang aking pagibig kay Cristo Jesus ay sumainyo nawang lahat. Siya nawa. |
The first epistle to the Corinthians was written from Philippi by Stephanas, and Fortunatus, and Achaicus, and Timotheus. | |