Chapter 7 - Ecclesiastes

1 A good name is better than precious ointment; and the day of death than the day of one's birth.1 Ang mabuting pangalan ay maigi kay sa mahalagang unguento; at ang kaarawan ng kamatayan kay sa kaarawan ng kapanganakan.
2 It is better to go to the house of mourning, than to go to the house of feasting: for that is the end of all men; and the living will lay it to his heart.2 Maigi ang pasa bahay ng tangisan, kay sa bahay ng pistahan: sapagka't siyang wakas ng lahat ng mga tao; at ilalagak ng may buhay sa kaniyang puso.
3 Sorrow is better than laughter: for by the sadness of the countenance the heart is made better.3 Kapanglawan ay maigi kay sa pagtawa: sapagka't sa kapanglawan ng mukha ay sumasaya ang puso.
4 The heart of the wise is in the house of mourning; but the heart of fools is in the house of mirth.4 Ang puso ng pantas ay nasa bahay ng tangisan; nguni't ang puso ng mangmang ay nasa bahay ng kasayahan.
5 It is better to hear the rebuke of the wise, than for a man to hear the song of fools.5 Maigi ang makinig ng saway ng pantas kay sa isang tao'y makinig ng awit ng mga mangmang.
6 For as the crackling of thorns under a pot, so is the laughter of the fool: this also is vanity.6 Sapagka't kung paano ang lagitik ng mga tinik sa ilalim ng palyok, gayon ang tawa ng mangmang: ito ma'y walang kabuluhan.
7 Surely oppression maketh a wise man mad; and a gift destroyeth the heart.7 Tunay na nagpapamangmang sa pantas ang pagkapighati; at ang suhol ay sumisira ng unawa.
8 Better is the end of a thing than the beginning thereof: and the patient in spirit is better than the proud in spirit.8 Maigi ang wakas ng isang bagay kay sa pasimula niyaon: at ang matiising loob ay maigi kay sa palalong loob.
9 Be not hasty in thy spirit to be angry: for anger resteth in the bosom of fools.9 Huwag kang magagalitin sa iyong kalooban: sapagka't ang galit ay nagpapahinga sa sinapupunan ng mga mangmang.
10 Say not thou, What is the cause that the former days were better than these? for thou dost not inquire wisely concerning this.10 Huwag mong sabihin, Ano ang kadahilanan na ang mga unang araw ay maigi kay sa mga ito? sapagka't hindi ka naguusisang may katalinuhan tungkol dito.
11 Wisdom is good with an inheritance: and by it there is profit to them that see the sun.11 Karunungan ay mabuting gaya ng mana: oo, lalong marilag sa ganang kanila na nakakakita ng araw.
12 For wisdom is a defence, and money is a defence: but the excellency of knowledge is, that wisdom giveth life to them that have it.12 Sapagka't ang karunungan ay sanggalang, sa makatuwid baga'y gaya ng salapi na sanggalang: nguni't ang karilagan ng kaalaman, ay iniingatan ng karunungan ang buhay niya na nagtatangkilik niyaon.
13 Consider the work of God: for who can make that straight, which he hath made crooked?13 Gunitain mo ang gawa ng Dios: sapagka't sinong makapagtutuwid ng ginawa niyang baluktot?
14 In the day of prosperity be joyful, but in the day of adversity consider: God also hath set the one over against the other, to the end that man should find nothing after him.14 Sa kaarawan ng kaginhawahan ay magalak ka, at sa kaarawan ng kahirapan ay gumunita ka: oo, ginawa ng Dios ang isa sa siping ng isa, upang ang tao ay huwag makasumpong ng anomang bagay na mangyayari pagkamatay niya.
15 All things have I seen in the days of my vanity: there is a just man that perisheth in his righteousness, and there is a wicked man that prolongeth his life in his wickedness.15 Lahat ng ito ay nakita ko sa mga kaarawan ng aking walang kabuluhan: may matuwid na namamatay sa kaniyang katuwiran, at may masama na humahaba ang buhay sa kaniyang masamang gawa.
16 Be not righteous over much; neither make thyself over wise: why shouldest thou destroy thyself?16 Huwag kang lubhang magpakamatuwid; ni huwag ka mang lubhang magpakapantas: bakit sisirain mo ang iyong sarili?
17 Be not over much wicked, neither be thou foolish: why shouldest thou die before thy time?17 Huwag kang magpakasamang lubha, ni magpakamangmang man: bakit ka mamamatay bago dumating ang iyong kapanahunan?
18 It is good that thou shouldest take hold of this; yea, also from this withdraw not thine hand: for he that feareth God shall come forth of them all.18 Mabuti na ikaw ay manghawak dito; oo, doon man ay huwag mong iurong ang iyong kamay: sapagka't siyang natatakot sa Dios ay lalayo sa lahat na yaon.
19 Wisdom strengtheneth the wise more than ten mighty men which are in the city.19 Karunungan ay kalakasan sa pantas, na higit kay sa sangpung pinuno na nangasa bayan.
20 For there is not a just man upon earth, that doeth good, and sinneth not.20 Tunay na walang matuwid sa lupa, na gumagawa ng mabuti, at hindi nagkakasala.
21 Also take no heed unto all words that are spoken; lest thou hear thy servant curse thee:21 Huwag ka rin namang makinig sa lahat ng mga salita na sinasalita, baka marinig mong sinusumpa ka ng iyong alipin:
22 For oftentimes also thine own heart knoweth that thou thyself likewise hast cursed others.22 Sapagka't madalas ding nalalaman ng iyong sariling puso, na ikaw ay sumumpa rin sa mga iba.
23 All this have I proved by wisdom: I said, I will be wise; but it was far from me.23 Lahat ng ito ay tinikman ko sa karunungan: aking sinabi, Ako'y magiging pantas: nguni't malayo sa akin.
24 That which is far off, and exceeding deep, who can find it out?24 Ang nilikha ay malayo at totoong malalim; sinong makaaabot?
25 I applied mine heart to know, and to search, and to seek out wisdom, and the reason of things, and to know the wickedness of folly, even of foolishness and madness:25 Ako'y pumihit at inilagak ang aking puso na umalam, at sumiyasat, at humanap ng karunungan, at ng kadahilanan ng mga bagay, at umalam na ang kasamaan ay kamangmangan, at ang kamangmangan ay kaululan:
26 And I find more bitter than death the woman, whose heart is snares and nets, and her hands as bands: whoso pleaseth God shall escape from her; but the sinner shall be taken by her.26 At nakasumpong ako ng bagay na lalong mapait kay sa kamatayan, sa makatuwid baga'y ang babae na ang puso ay mga silo at mga bitag, at ang kaniyang mga kamay ay gaya ng mga panali: ang nalulugod sa Dios ay tatakas sa kaniya; nguni't ang makasalanan ay makukuha niya.
27 Behold, this have I found, saith the preacher, counting one by one, to find out the account:27 Narito, ito'y aking nasumpungan, sabi ng Mangangaral, na iniaagapay ang isang bagay sa iba, upang matagpuan ang kadahilanan:
28 Which yet my soul seeketh, but I find not: one man among a thousand have I found; but a woman among all those have I not found.28 Na hinahanap pa ng aking kaluluwa, nguni't hindi ko nasumpungan: isang tao sa isang libo ang aking nasumpungan; nguni't isang babae sa lahat ng mga yaon ay hindi ko nasumpungan.
29 Lo, this only have I found, that God hath made man upright; but they have sought out many inventions.29 Narito, ito lamang ang aking nasumpungan, na ginawang matuwid ng Dios ang tao; nguni't nagsihanap sila ng maraming katha.