| 1 The LORD reigneth; let the earth rejoice; let the multitude of isles be glad thereof. | 1 Ang Panginoon ay naghahari; magalak ang lupa; matuwa ang karamihan ng mga pulo. |
| 2 Clouds and darkness are round about him: righteousness and judgment are the habitation of his throne. | 2 Mga ulap at kadiliman ay nasa palibot niya: katuwiran at kahatulan ay patibayin ng kaniyang luklukan. |
| 3 A fire goeth before him, and burneth up his enemies round about. | 3 Apoy ay nagpapauna sa kaniya, at sinusunog ang kaniyang kaaway sa buong palibot. |
| 4 His lightnings enlightened the world: the earth saw, and trembled. | 4 Tumatanglaw ang mga kidlat niya sa sanglibutan: nakita ng lupa, at niyanig. |
| 5 The hills melted like wax at the presence of the LORD, at the presence of the Lord of the whole earth. | 5 Ang mga bundok ay natunaw na parang pagkit sa harap ng Panginoon, sa harapan ng Panginoon ng buong lupa. |
| 6 The heavens declare his righteousness, and all the people see his glory. | 6 Ipinahahayag ng langit ang kaniyang katuwiran, at nakita ng lahat na bayan ang kaniyang kaluwalhatian. |
| 7 Confounded be all they that serve graven images, that boast themselves of idols: worship him, all ye gods. | 7 Mangahiya silang lahat na nangaglilingkod sa mga larawan, nangaghahambog tungkol sa mga diosdiosan: kayo'y magsisamba sa kaniya kayong lahat na mga dios. |
| 8 Zion heard, and was glad; and the daughters of Judah rejoiced because of thy judgments, O LORD. | 8 Narinig ng Sion, at natuwa, at ang mga anak na babae ng Juda ay nangagalak; dahil sa iyong mga kahatulan, Oh Panginoon. |
| 9 For thou, LORD, art high above all the earth: thou art exalted far above all gods. | 9 Sapagka't ikaw, Oh Panginoon, ay kataastaasan sa buong lupa: ikaw ay nataas na totoong higit kay sa lahat na mga dios. |
| 10 Ye that love the LORD, hate evil: he preserveth the souls of his saints; he delivereth them out of the hand of the wicked. | 10 Oh kayong nagsisiibig sa Panginoon, ipagtanim ninyo ang kasamaan. Kaniyang iniingatan ang mga kaluluwa ng kaniyang mga banal; kaniyang iniligtas sila sa kamay ng masama. |
| 11 Light is sown for the righteous, and gladness for the upright in heart. | 11 Liwanag ang itinanim na ukol sa mga banal, at kasayahan ay sa may matuwid na puso. |
| 12 Rejoice in the LORD, ye righteous; and give thanks at the remembrance of his holiness. | 12 Mangatuwa kayo sa Panginoon, kayong mga matuwid; at mangagpasalamat sa kaniyang banal na pangalan. |