| 1 And the whole earth was of one language, and of one speech. | 1 At ang buong lupa ay iisa ang wika at iisa ang salita. |
| 2 And it came to pass, as they journeyed from the east, that they found a plain in the land of Shinar; and they dwelt there. | 2 At nangyari, na, sa kanilang paglalakbay sa silanganan, ay nakasumpong sila ng isang kapatagan sa lupain ng Sinar; at sila'y nanahan doon. |
| 3 And they said one to another, Go to, let us make brick, and burn them throughly. And they had brick for stone, and slime had they for morter. | 3 At nagsangusapang, Halikayo! tayo'y gumawa ng mga laryo, at ating lutuing mabuti. At inari nilang bato ang laryo at ang betun ay inaring argamasa. |
| 4 And they said, Go to, let us build us a city and a tower, whose top may reach unto heaven; and let us make us a name, lest we be scattered abroad upon the face of the whole earth. | 4 At nagsipagsabi, Halikayo! Magtayo tayo ng isang bayan natin at ng isang moog, na ang taluktok niyaon ay aabot hanggang sa langit, at magtaglay tayo ng isang ngalan; baka tayo'y mangalat sa ibabaw ng buong lupa. |
| 5 And the LORD came down to see the city and the tower, which the children of men builded. | 5 At bumaba ang Panginoon upang tingnan ang bayan at ang moog, na itinayo ng mga anak ng mga tao. |
| 6 And the LORD said, Behold, the people is one, and they have all one language; and this they begin to do: and now nothing will be restrained from them, which they have imagined to do. | 6 At sinabi ng Panginoon, Narito, sila'y iisang bayan at silang lahat ay may isang wika; at ito ang kanilang pinasimulang gawin: at, ngayon nga'y walang makasasawata sa anomang kanilang balaking gawin. |
| 7 Go to, let us go down, and there confound their language, that they may not understand one another's speech. | 7 Halikayo! tayo'y bumaba at diyan din ay ating guluhin ang kanilang wika, na anopa't sila'y huwag magkatalastasan sa kanilang salita. |
| 8 So the LORD scattered them abroad from thence upon the face of all the earth: and they left off to build the city. | 8 Ganito pinanabog sila ng Panginoon mula riyan, sa ibabaw ng buong lupa; at kanilang iniwan ang pagtatayo ng bayan. |