| 1 Let not your heart be troubled: ye believe in God, believe also in me. | 1 Huwag magulumihanan ang inyong puso: magsisampalataya kayo sa Dios, magsisampalataya naman kayo sa akin. |
| 2 In my Father's house are many mansions: if it were not so, I would have told you. I go to prepare a place for you. | 2 Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan; kung di gayon, ay sinabi ko sana sa inyo; sapagka't ako'y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. |
| 3 And if I go and prepare a place for you, I will come again, and receive you unto myself; that where I am, there ye may be also. | 3 At kung ako'y pumaroon at kayo'y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon. |
| 4 And whither I go ye know, and the way ye know. | 4 At kung saan ako paroroon, ay nalalaman ninyo ang daan. |
| 5 Thomas saith unto him, Lord, we know not whither thou goest; and how can we know the way? | 5 Sinabi sa kaniya ni Tomas, Panginoon, hindi namin nalalaman kung saan ka paroroon; paano ngang malalaman namin ang daan? |
| 6 Jesus saith unto him, I am the way, the truth, and the life: no man cometh unto the Father, but by me. | 6 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko. |
| 7 If ye had known me, ye should have known my Father also: and from henceforth ye know him, and have seen him. | 7 Kung ako'y nangakilala ninyo ay mangakikilala ninyo ang aking Ama: buhat ngayon siya'y inyong mangakikilala, at siya'y inyong nakita. |