| 11 And he said, A certain man had two sons: | 11 At sinabi niya, May isang tao na may dalawang anak na lalake: |
| 12 And the younger of them said to his father, Father, give me the portion of goods that falleth to me. And he divided unto them his living. | 12 At sinabi sa kaniyang ama ng bunso, Ama, ibigay mo sa akin ang bahagi ng iyong kayamanang nauukol sa akin. At binahagi niya sa kanila ang kaniyang pagkabuhay. |
| 13 And not many days after the younger son gathered all together, and took his journey into a far country, and there wasted his substance with riotous living. | 13 At hindi nakaraan ang maraming araw, ay tinipong lahat ng anak na bunso ang ganang kaniya, at naglakbay sa isang malayong lupain; at doo'y inaksaya ang kaniyang kabuhayan sa palunging pamumuhay. |
| 14 And when he had spent all, there arose a mighty famine in that land; and he began to be in want. | 14 At nang magugol na niyang lahat, ay nagkaroon ng isang malaking kagutom sa lupaing yaon; at siya'y nagpasimulang mangailangan. |
| 15 And he went and joined himself to a citizen of that country; and he sent him into his fields to feed swine. | 15 At pumaroon siya at nakisama sa isa sa mga mamamayan sa lupaing yaon; at sinugo niya siya sa kaniyang mga parang, upang magpakain ng mga baboy. |
| 16 And he would fain have filled his belly with the husks that the swine did eat: and no man gave unto him. | 16 At ibig sana niyang mabusog ang kaniyang tiyan ng mga ipa na kinakain ng mga baboy: at walang taong magbigay sa kaniya. |
| 17 And when he came to himself, he said, How many hired servants of my father's have bread enough and to spare, and I perish with hunger! | 17 Datapuwa't nang siya'y makapagisip ay sinabi niya, Ilang mga alilang upahan ng aking ama ang may sapat at lumalabis na pagkain, at ako rito'y namamatay ng gutom? |
| 18 I will arise and go to my father, and will say unto him, Father, I have sinned against heaven, and before thee, | 18 Magtitindig ako at paroroon sa aking ama, at aking sasabihin sa kaniya, Ama, nagkasala ako laban sa langit, at sa iyong paningin: |
| 19 And am no more worthy to be called thy son: make me as one of thy hired servants. | 19 Hindi na ako karapatdapat na tawaging anak mo: gawin mo akong tulad sa isa sa iyong mga alilang upahan. |
| 20 And he arose, and came to his father. But when he was yet a great way off, his father saw him, and had compassion, and ran, and fell on his neck, and kissed him. | 20 At siya'y nagtindig, at pumaroon sa kaniyang ama. Datapuwa't samantalang nasa malayo pa siya, ay natanawan na siya ng kaniyang ama, at nagdalang habag, at tumakbo, at niyakap siya sa leeg, at siya'y hinagkan. |
| 21 And the son said unto him, Father, I have sinned against heaven, and in thy sight, and am no more worthy to be called thy son. | 21 At sinabi ng anak sa kaniya, Ama, nagkasala ako laban sa langit, at sa iyong paningin: hindi na ako karapatdapat na tawaging anak mo. |
| 22 But the father said to his servants, Bring forth the best robe, and put it on him; and put a ring on his hand, and shoes on his feet: | 22 Datapuwa't sinabi ng ama sa kaniyang mga alipin, Dalhin ninyo ritong madali ang pinakamabuting balabal, at isuot ninyo sa kaniya; at lagyan ninyo ng singsing ang kaniyang kamay, at mga panyapak ang kaniyang mga paa: |
| 23 And bring hither the fatted calf, and kill it; and let us eat, and be merry: | 23 At kunin ninyo ang pinatabang guya, at inyong patayin, at tayo'y magsikain, at mangagkatuwa: |
| 24 For this my son was dead, and is alive again; he was lost, and is found. And they began to be merry. | 24 Sapagka't patay na ang anak kong ito, at muling nabuhay; siya'y nawala, at nasumpungan. At sila'y nangagpasimulang mangagkatuwa. |
| 25 Now his elder son was in the field: and as he came and drew nigh to the house, he heard musick and dancing. | 25 Nasa bukid nga ang anak niyang panganay: at nang siya'y dumating at malapit sa bahay, ay narinig niya ang tugtugan at ang sayawan. |
| 26 And he called one of the servants, and asked what these things meant. | 26 At pinalapit niya sa kaniya ang isa sa mga alipin, at itinanong kung ano kaya ang mga bagay na yaon. |
| 27 And he said unto him, Thy brother is come; and thy father hath killed the fatted calf, because he hath received him safe and sound. | 27 At sinabi niya sa kaniya, Dumating ang kapatid mo; at pinatay ng iyong ama ang pinatabang guya, dahil sa siya'y tinanggap niya na ligtas at magaling. |
| 28 And he was angry, and would not go in: therefore came his father out, and intreated him. | 28 Datapuwa't nagalit siya, at ayaw pumasok: at lumabas ang kaniyang ama, at siya'y namanhik sa kaniya. |
| 29 And he answering said to his father, Lo, these many years do I serve thee, neither transgressed I at any time thy commandment: and yet thou never gavest me a kid, that I might make merry with my friends: | 29 Datapuwa't siya'y sumagot at sinabi sa kaniyang ama, Narito, maraming taon nang kita'y pinaglilingkuran, at kailan ma'y hindi ako sumuway sa iyong utos; at gayon ma'y hindi mo ako binigyan kailan man ng isang maliit na kambing, upang ipakipagkatuwa ko sa aking mga kaibigan: |
| 30 But as soon as this thy son was come, which hath devoured thy living with harlots, thou hast killed for him the fatted calf. | 30 Datapuwa't nang dumating itong anak mong umubos ng iyong pagkabuhay sa mga patutot, ay ipinagpatay mo siya ng pinatabang guya. |
| 31 And he said unto him, Son, thou art ever with me, and all that I have is thine. | 31 At sinabi niya sa kaniya, Anak, ikaw ay palaging nasa akin, at iyo ang lahat ng akin. |
| 32 It was meet that we should make merry, and be glad: for this thy brother was dead, and is alive again; and was lost, and is found. | 32 Datapuwa't karapatdapat mangagkatuwa at mangagsaya tayo: sapagka't patay ang kapatid mong ito, at muling nabuhay; at nawala, at nasumpungan. |