| 1 And he spake a parable unto them to this end, that men ought always to pray, and not to faint; | 1 At sinalita niya sa kanila ang isang talinghaga, na sila'y dapat magsipanalanging lagi, at huwag manganglupaypay; |
| 2 Saying, There was in a city a judge, which feared not God, neither regarded man: | 2 Na sinasabi, May isang hukom sa isang bayan, na hindi natatakot sa Dios, at walang taong pinagpipitaganan: |
| 3 And there was a widow in that city; and she came unto him, saying, Avenge me of mine adversary. | 3 At sa bayang yaon ay may isang babaing bao; at siya'y naparoroong madalas sa kaniya, na sinasabi, Iganti mo ako sa aking kaalit. |
| 4 And he would not for a while: but afterward he said within himself, Though I fear not God, nor regard man; | 4 At may ilang panahon na siya'y tumatanggi: datapuwa't pagkatapos ay sinabi sa kaniyang sarili, Bagaman di ako natatakot sa Dios, at di nagpipitagan sa tao: |
| 5 Yet because this widow troubleth me, I will avenge her, lest by her continual coming she weary me. | 5 Gayon man, sapagka't nililigalig ako ng baong ito, ay igaganti ko siya, baka niya ako bagabagin ng kapaparito. |
| 6 And the Lord said, Hear what the unjust judge saith. | 6 At sinabi ng Panginoon, Pakinggan ninyo ang sinabi ng likong hukom. |
| 7 And shall not God avenge his own elect, which cry day and night unto him, though he bear long with them? | 7 At hindi baga, igaganti ng Dios ang kaniyang mga hirang, na sumisigaw sa kaniya sa araw at gabi, at siya'y may pagpapahinuhod sa kanila? |
| 8 I tell you that he will avenge them speedily. Nevertheless when the Son of man cometh, shall he find faith on the earth? | 8 Sinasabi ko sa inyo, na sila'y madaling igaganti niya. Gayon ma'y pagparito ng Anak ng tao, makakasumpong kaya siya ng pananampalataya sa lupa? |