| 1 And Jesus entered and passed through Jericho. | 1 At siya'y pumasok at nagdaan sa Jerico. |
| 2 And, behold, there was a man named Zacchaeus, which was the chief among the publicans, and he was rich. | 2 At narito, isang lalake na tinatawag sa pangalang Zaqueo; at siya'y isang puno ng mga maniningil ng buwis, at siya'y mayaman. |
| 3 And he sought to see Jesus who he was; and could not for the press, because he was little of stature. | 3 At pinagpipilitan niyang makita si Jesus kung sino kaya siya; at hindi mangyari, dahil sa maraming tao, sapagka't siya'y pandak. |
| 4 And he ran before, and climbed up into a sycomore tree to see him: for he was to pass that way. | 4 At tumakbo siya sa unahan, at umakyat sa isang punong kahoy na sikomoro upang makita siya: sapagka't siya'y magdaraan sa daang yaon. |
| 5 And when Jesus came to the place, he looked up, and saw him, and said unto him, Zacchaeus, make haste, and come down; for to day I must abide at thy house. | 5 At nang dumating si Jesus sa dakong yaon, ay siya'y tumingala, at sinabi sa kaniya, Zaqueo, magmadali ka, at bumaba ka; sapagka't ngayo'y kinakailangang ako'y tumuloy sa bahay mo. |
| 6 And he made haste, and came down, and received him joyfully. | 6 At siya'y nagmadali, at bumaba, at tinanggap siyang may tuwa. |
| 7 And when they saw it, they all murmured, saying, That he was gone to be guest with a man that is a sinner. | 7 At nang makita nila ito, ay nangagbulongbulungan silang lahat, na nangagsasabi, Siya'y pumasok na nanunuluyan sa isang taong makasalanan. |
| 8 And Zacchaeus stood, and said unto the Lord; Behold, Lord, the half of my goods I give to the poor; and if I have taken any thing from any man by false accusation, I restore him fourfold. | 8 At si Zaqueo ay nagtindig, at sinabi sa Panginoon, Narito, Panginoon, ang kalahati ng aking mga pag-aari ay ibinibigay ko sa mga dukha; at kung sakali't nakasingil akong may daya sa kanino mang tao, ay isinasauli ko ng makaapat. |
| 9 And Jesus said unto him, This day is salvation come to this house, forsomuch as he also is a son of Abraham. | 9 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Dumating sa bahay na ito ngayon ang pagkaligtas, sapagka't siya'y anak din naman ni Abraham. |
| 10 For the Son of man is come to seek and to save that which was lost. | 10 Sapagka't ang Anak ng tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang nawala. |