35 And the same day, when the even was come, he saith unto them, Let us pass over unto the other side. | 35 At nang araw ding yaon, nang gabi na, ay sinabi niya sa kanila, Tumawid tayo sa kabilang ibayo. |
36 And when they had sent away the multitude, they took him even as he was in the ship. And there were also with him other little ships. | 36 At pagkaiwan sa karamihan, ay kanilang dinala siya sa daong, ayon sa kaniyang kalagayan. At mayroon siyang kasamang ibang mga daong. |
37 And there arose a great storm of wind, and the waves beat into the ship, so that it was now full. | 37 At nagbangon ang isang malakas na bagyo, at sinasalpukan ang daong ng mga alon, na ano pa't ang daong ay halos natitigib. |
38 And he was in the hinder part of the ship, asleep on a pillow: and they awake him, and say unto him, Master, carest thou not that we perish? | 38 At siya'y natutulog sa hulihan sa ibabaw ng kutson; at siya'y ginising nila, at sinabi sa kaniya, Guro, wala bagang anoman sa iyo na mapahamak tayo? |
39 And he arose, and rebuked the wind, and said unto the sea, Peace, be still. And the wind ceased, and there was a great calm. | 39 At gumising siya, at sinaway ang hangin, at sinabi sa dagat, Pumayapa, tumahimik ka. At humimpil ang hangin, at humusay na totoo ang panahon, |
40 And he said unto them, Why are ye so fearful? how is it that ye have no faith? | 40 At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo nangatakot? wala pa baga kayong pananampalataya? |
41 And they feared exceedingly, and said one to another, What manner of man is this, that even the wind and the sea obey him? | 41 At sila'y nangatakot na lubha, at sila-sila'y nangagsasabihan, Sino nga ito, na pati ng hangin at ng dagat ay tumatalima sa kaniya? |