1 And Jesus answered and spake unto them again by parables, and said, | 1 At sumagot si Jesus at muling pinagsalitaan sila sa mga talinghaga, na sinasabi, |
2 The kingdom of heaven is like unto a certain king, which made a marriage for his son, | 2 Tulad ang kaharian ng langit sa isang hari na naghanda ng piging ng kasalan ng kaniyang anak na lalake, |
3 And sent forth his servants to call them that were bidden to the wedding: and they would not come. | 3 At sinugo ang kaniyang mga alipin upang tawagin ang mga inanyayahan sa piging ng kasalan: at sila'y ayaw magsidalo. |
4 Again, he sent forth other servants, saying, Tell them which are bidden, Behold, I have prepared my dinner: my oxen and my fatlings are killed, and all things are ready: come unto the marriage. | 4 Muling nagsugo siya sa ibang mga alipin, na sinasabi, Sabihin ninyo sa mga inanyayahan, Narito, inihanda ko na ang aking piging; pinatay ko ang aking mga baka at mga hayop na matataba, at ang lahat ng mga bagay ay nahahanda na: magsiparito kayo sa piging ng kasalan. |
5 But they made light of it, and went their ways, one to his farm, another to his merchandise: | 5 Datapuwa't hindi nila pinansin, at sila'y nagsiyaon sa kanilang lakad, ang isa'y sa kaniyang sariling bukid, ang isa'y sa kaniyang mga kalakal; |
6 And the remnant took his servants, and entreated them spitefully, and slew them. | 6 At hinawakan ng mga iba ang kaniyang mga alipin, at sila'y dinuwahagi, at pinagpapatay. |
7 But when the king heard thereof, he was wroth: and he sent forth his armies, and destroyed those murderers, and burned up their city. | 7 Datapuwa't ang hari ay nagalit; at sinugo ang kaniyang mga hukbo, at pinuksa ang mga mamamataytaong yaon, at sinunog ang kanilang bayan. |
8 Then saith he to his servants, The wedding is ready, but they which were bidden were not worthy. | 8 Nang magkagayo'y sinabi niya sa kaniyang mga alipin, Nahahanda ang kasalan, nguni't hindi karapatdapat ang mga inanyayahan. |
9 Go ye therefore into the highways, and as many as ye shall find, bid to the marriage. | 9 Magsiparoon nga kayo sa mga likuang lansangan, at anyayahan ninyo sa piging ng kasalan ang lahat ninyong mangasumpungan. |
10 So those servants went out into the highways, and gathered together all as many as they found, both bad and good: and the wedding was furnished with guests. | 10 At nagsilabas ang mga aliping yaon sa mga lansangan, at kanilang tinipon ang lahat nilang nangasumpungan, masasama at mabubuti: at napuno ng mga panauhin ang kasalan. |
11 And when the king came in to see the guests, he saw there a man which had not on a wedding garment: | 11 Datapuwa't pagpasok ng hari upang tingnan ang mga panauhin, ay doo'y nakita niya ang isang tao na hindi nararamtan ng damit-kasalan: |
12 And he saith unto him, Friend, how camest thou in hither not having a wedding garment? And he was speechless. | 12 At sinabi niya sa kaniya, Kaibigan, ano't pumasok ka rito na walang damit-kasalan? At siya'y naumid. |
13 Then said the king to the servants, Bind him hand and foot, and take him away, and cast him into outer darkness; there shall be weeping and gnashing of teeth. | 13 Nang magkagayo'y sinabi ng hari sa mga naglilingkod, Gapusin ninyo ang mga paa at mga kamay niya, at itapon ninyo siya sa kadiliman sa labas; diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin. |
14 For many are called, but few are chosen. | 14 Sapagka't marami ang mga tinawag, datapuwa't kakaunti ang mga nahirang. |