1 And seeing the multitudes, he went up into a mountain: and when he was set, his disciples came unto him: | 1 At pagkakita sa mga karamihan, ay umahon siya sa bundok: at pagkaupo niya, ay nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad: |
2 And he opened his mouth, and taught them, saying, | 2 At binuka niya ang kaniyang bibig at tinuruan sila, na sinasabi, |
3 Blessed are the poor in spirit: for theirs is the kingdom of heaven. | 3 Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka't kanila ang kaharian ng langit. |
4 Blessed are they that mourn: for they shall be comforted. | 4 Mapapalad ang nangahahapis: sapagka't sila'y aaliwin. |
5 Blessed are the meek: for they shall inherit the earth. | 5 Mapapalad ang maaamo: sapagka't mamanahin nila ang lupa. |
6 Blessed are they which do hunger and thirst after righteousness: for they shall be filled. | 6 Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran: sapagka't sila'y bubusugin. |
7 Blessed are the merciful: for they shall obtain mercy. | 7 Mapapalad ang mga mahabagin: sapagka't sila'y kahahabagan. |
8 Blessed are the pure in heart: for they shall see God. | 8 Mapapalad ang mga may malinis na puso: sapagka't makikita nila ang Dios. |
9 Blessed are the peacemakers: for they shall be called the children of God. | 9 Mapapalad ang mga mapagpayapa: sapagka't sila'y tatawaging mga anak ng Dios. |
10 Blessed are they which are persecuted for righteousness' sake: for theirs is the kingdom of heaven. | 10 Mapapalad ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran: sapagka't kanila ang kaharian ng langit. |
11 Blessed are ye, when men shall revile you, and persecute you, and shall say all manner of evil against you falsely, for my sake. | 11 Mapapalad kayo pagka kayo'y inaalimura, at kayo'y pinaguusig, at kayo'y pinagwiwikaan ng sarisaring masama na pawang kasinungalingan, dahil sa akin. |
12 Rejoice, and be exceeding glad: for great is your reward in heaven: for so persecuted they the prophets which were before you. | 12 Mangagalak kayo, at mangagsayang totoo: sapagka't malaki ang ganti sa inyo sa langit: sapagka't gayon din ang kanilang pagkausig sa mga propeta na nangauna sa inyo. |