| 23 And when he was entered into a ship, his disciples followed him. | 23 At pagkalulan niya sa isang daong, ay sinundan siya ng kaniyang mga alagad. |
| 24 And, behold, there arose a great tempest in the sea, insomuch that the ship was covered with the waves: but he was asleep. | 24 At narito, bumangon ang isang malakas na bagyo sa dagat, na ano pa't inaapawan ang daong ng mga alon: datapuwa't siya'y natutulog. |
| 25 And his disciples came to him, and awoke him, saying, Lord, save us: we perish. | 25 At nagsilapit sila sa kaniya, at siya'y ginising, na sinasabi, Panginoon, iligtas mo kami; kami'y mangamamatay. |
| 26 And he saith unto them, Why are ye fearful, O ye of little faith? Then he arose, and rebuked the winds and the sea; and there was a great calm. | 26 At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo'y nangatatakot, Oh kayong kakaunti ang pananampalataya? Nang magkagayo'y nagbangon siya, at sinaway ang mga hangin at ang dagat; at humusay na totoo ang panahon. |
| 27 But the men marvelled, saying, What manner of man is this, that even the winds and the sea obey him! | 27 At ang mga tao ay nangagtaka, na sinasabi, Anong tao ito, na maging ang mga hangin at ang mga dagat ay nagsisitalima sa kaniya? |