Chapter 3 - Job

1 After this opened Job his mouth, and cursed his day.1 Pagkatapos nito'y ibinuka ni Job ang kaniyang bibig at sinumpa ang kaniyang kaarawan.
2 And Job spake, and said,2 At si Job ay sumagot, at nagsabi,
3 Let the day perish wherein I was born, and the night in which it was said, There is a man child conceived.3 Maparam nawa ang kaarawan ng kapanganakan sa akin, at ang gabi na nagsabi, may lalaking ipinaglihi.
4 Let that day be darkness; let not God regard it from above, neither let the light shine upon it.4 Magdilim nawa ang kaarawang yaon; huwag nawang pansinin ng Dios mula sa itaas, ni silangan man ng liwanag.
5 Let darkness and the shadow of death stain it; let a cloud dwell upon it; let the blackness of the day terrify it.5 Ang dilim at ang salimuot na kadiliman ang siyang mangagari niyaon; pag-ulapan nawa yaon; Pangilabutin nawa yaon ng lahat na nagpapadilim sa araw.
6 As for that night, let darkness seize upon it; let it not be joined unto the days of the year, let it not come into the number of the months.6 Suma gabing yaon nawa ang pagsasalimuot ng kadiliman: huwag nawang kagalakan sa mga araw ng sangtaon; huwag nawang mapasok sa bilang ng mga buwan.
7 Lo, let that night be solitary, let no joyful voice come therein.7 Narito, mapagisa ang gabing yaon; huwag nawang datnan yaon ng masayang tinig.
8 Let them curse it that curse the day, who are ready to raise up their mourning.8 Sumpain nawa yaong nanganunumpa sa araw, ng nangamimihasang gumalaw sa buwaya.
9 Let the stars of the twilight thereof be dark; let it look for light, but have none; neither let it see the dawning of the day:9 Mangagdilim nawa ang mga bituin ng pagtatakip-silim niyaon: maghintay nawa ng liwanag, nguni't huwag magkaroon: ni huwag mamalas ang mga bukang liwayway ng umaga:
10 Because it shut not up the doors of my mother's womb, nor hid sorrow from mine eyes.10 Sapagka't hindi tinakpan ang mga pinto ng bahay-bata ng aking ina, o ikinubli man ang kabagabagan sa aking mga mata.
11 Why died I not from the womb? why did I not give up the ghost when I came out of the belly?11 Bakit hindi pa ako namatay mula sa bahay-bata? Bakit di pa napatid ang aking hininga nang ipanganak ako ng aking ina?
12 Why did the knees prevent me? or why the breasts that I should suck?12 Bakit tinanggap ako ng mga tuhod? O bakit ng mga suso, na aking sususuhin?
13 For now should I have lain still and been quiet, I should have slept: then had I been at rest,13 Sapagka't ngayon ay nahihiga sana ako at natatahimik; ako sana'y nakakatulog; na napapahinga ako:
14 With kings and counsellers of the earth, which built desolate places for themselves;14 Na kasama ng mga hari at ng mga kasangguni sa lupa, na nagsisigawa ng mga dakong ilang sa ganang kanila;
15 Or with princes that had gold, who filled their houses with silver:15 O ng mga pangulo na nangagkaroon ng ginto, na pumuno sa kanilang bahay ng pilak:
16 Or as an hidden untimely birth I had not been; as infants which never saw light.16 O gaya sana ng nalagas na nakatago, na hindi nabuhay; gaya sana ng sanggol na kailan man ay hindi nakakita ng liwanag.
17 There the wicked cease from troubling; and there the weary be at rest.17 Doo'y naglilikat ang masama sa pagbagabag; at doo'y nagpapahinga ang pagod.
18 There the prisoners rest together; they hear not the voice of the oppressor.18 Doo'y ang mga bihag ay nangagpapahingang magkakasama; hindi nila naririnig ang tinig ng nagpapaatag.
19 The small and great are there; and the servant is free from his master.19 Ang mababa at ang mataas ay nangaroon; at ang alipin ay laya sa kaniyang panginoon.
20 Wherefore is light given to him that is in misery, and life unto the bitter in soul;20 Bakit binibigyan ng liwanag ang nasa karalitaan, at ng buhay ang kaluluwang nasa kahirapan;
21 Which long for death, but it cometh not; and dig for it more than for hid treasures;21 Na naghihintay ng kamatayan, nguni't hindi dumarating; at hinahangad ng higit kaysa mga kayamanang nakatago;
22 Which rejoice exceedingly, and are glad, when they can find the grave?22 Na nagagalak ng di kawasa, at nangasasayahan, pagka nasumpungan ang libingan?
23 Why is light given to a man whose way is hid, and whom God hath hedged in?23 Bakit binibigyan ng liwanag ang tao na kinalilingiran ng lakad, at ang kinulong ng Dios?
24 For my sighing cometh before I eat, and my roarings are poured out like the waters.24 Sapagka't nagbubuntong hininga ako bago ako kumain, at ang aking mga angal ay bumubugsong parang tubig.
25 For the thing which I greatly feared is come upon me, and that which I was afraid of is come unto me.25 Sapagka't ang bagay na aking kinatatakutan ay dumarating sa akin, at ang aking pinangingilabutan ay dumarating sa akin.
26 I was not in safety, neither had I rest, neither was I quiet; yet trouble came.26 Hindi ako tiwasay, ni ako man ay tahimik, ni ako man ay napapahinga; kundi kabagabagan ang dumarating.