Chapter 17 - Proverbs

1 Better is a dry morsel, and quietness therewith, than an house full of sacrifices with strife.1 Maigi ang isang tuyong subo at may katahimikan, kay sa bahay na may laging pistahan na may kaalitan.
2 A wise servant shall have rule over a son that causeth shame, and shall have part of the inheritance among the brethren.2 Ang lingkod na gumagawang may kapantasan ay nagpupuno sa anak na nakahihiya, at siya'y makakabahagi sa mana ng magkakapatid.
3 The fining pot is for silver, and the furnace for gold: but the LORD trieth the hearts.3 Ang dalisayan ay sa pilak, at ang hurno ay sa ginto: nguni't sinusubok ng Panginoon ang mga puso.
4 A wicked doer giveth heed to false lips; and a liar giveth ear to a naughty tongue.4 Ang manggagawa ng kasamaan ay nakikinig sa masasamang labi; at ang sinungaling ay nakikinig sa masamang dila.
5 Whoso mocketh the poor reproacheth his Maker: and he that is glad at calamities shall not be unpunished.5 Sinomang tumutuya sa dukha ay dumudusta sa Maylalang sa kaniya: at ang natutuwa sa kasakunaan ay walang pagsalang parurusahan.
6 Children's children are the crown of old men; and the glory of children are their fathers.6 Ang mga anak ng mga anak ay putong ng mga matatandang tao; at ang kaluwalhatian ng mga anak ay ang kanilang mga magulang.
7 Excellent speech becometh not a fool: much less do lying lips a prince.7 Ang marilag na pananalita ay hindi nagiging mabuti sa mangmang: lalo na ang magdarayang mga labi, sa isang pangulo.
8 A gift is as a precious stone in the eyes of him that hath it: whithersoever it turneth, it prospereth.8 Ang suhol ay parang mahalagang bato sa mga mata ng nagtatamo: saan man pumihit ay gumiginhawa.
9 He that covereth a transgression seeketh love; but he that repeateth a matter separateth very friends.9 Ang nagtatakip ng pagsalangsang ay humahanap ng pagibig: nguni't ang nagdadadaldal tungkol sa anoman ay naghihiwalay ng magkakaibigang matalik.
10 A reproof entereth more into a wise man than an hundred stripes into a fool.10 Ang saway ay nanasok na taimtim sa isang naguunawa, kay sa isang daang hampas sa mangmang.
11 An evil man seeketh only rebellion: therefore a cruel messenger shall be sent against him.11 Ang hinahanap lamang ng masamang tao ay panghihimagsik; kaya't isang mabagsik na sugo ay susuguin laban sa kaniya.
12 Let a bear robbed of her whelps meet a man, rather than a fool in his folly.12 Masalubong ang tao ng oso na nanakawan ng kaniyang mga anak, maigi kay sa mangmang sa kaniyang kamangmangan.
13 Whoso rewardeth evil for good, evil shall not depart from his house.13 Sinomang gumaganti ng kasamaan sa mabuti, kasamaan ay hindi hihiwalay sa kaniyang bahay.
14 The beginning of strife is as when one letteth out water: therefore leave off contention, before it be meddled with.14 Ang pasimula ng pagkakaalit ay gaya ng pagbuga ng tubig: kaya't iwan ninyo ang pagtatalo, bago maginit sa pagkakaalit.
15 He that justifieth the wicked, and he that condemneth the just, even they both are abomination to the LORD.15 Siya na umaaring ganap sa masama, at siya na nagpaparusa sa matuwid, kapuwa sila kasuklamsuklam sa Panginoon.
16 Wherefore is there a price in the hand of a fool to get wisdom, seeing he hath no heart to it?16 Bakit may halaga sa kamay ng mangmang upang ibili ng karunungan, gayong wala siyang pagkaunawa?
17 A friend loveth at all times, and a brother is born for adversity.17 Ang kaibigan ay umiibig sa lahat ng panahon, at ang kapatid ay ipinanganak na ukol sa kasakunaan.
18 A man void of understanding striketh hands, and becometh surety in the presence of his friend.18 Ang taong walang unawa ay nakikikamay, at nagiging mananagot sa harapan ng kaniyang kapuwa.
19 He loveth transgression that loveth strife: and he that exalteth his gate seeketh destruction.19 Ang umiibig sa pagsalangsang ay umiibig sa pagkakaalit: ang nagtataas ng kaniyang pintuan ay humahanap ng kapahamakan.
20 He that hath a froward heart findeth no good: and he that hath a perverse tongue falleth into mischief.20 Siyang may magdarayang puso ay hindi nakakasumpong ng mabuti: at siyang may suwail na dila ay nahuhulog sa karalitaan.
21 He that begetteth a fool doeth it to his sorrow: and the father of a fool hath no joy.21 Ang nanganganak ng mangmang ay sa kaniyang kapanglawan: at ang ama ng mangmang ay walang kagalakan.
22 A merry heart doeth good like a medicine: but a broken spirit drieth the bones.22 Ang masayang puso ay mabuting kagamutan: nguni't ang bagbag na diwa ay tumutuyo ng mga buto.
23 A wicked man taketh a gift out of the bosom to pervert the ways of judgment.23 Ang masama ay tumatanggap ng suhol mula sa sinapupunan, upang ipahamak ang daan ng kahatulan.
24 Wisdom is before him that hath understanding; but the eyes of a fool are in the ends of the earth.24 Karunungan ay nasa harap ng mukha ng naguunawa: nguni't ang mga mata ng mangmang ay nasa mga wakas ng lupa.
25 A foolish son is a grief to his father, and bitterness to her that bare him.25 Ang mangmang na anak ay hirap sa kaniyang ama, at kapaitan sa nanganak sa kaniya.
26 Also to punish the just is not good, nor to strike princes for equity.26 Parusahan naman ang matuwid ay hindi mabuti, ni saktan man ang mahal na tao dahil sa kanilang katuwiran.
27 He that hath knowledge spareth his words: and a man of understanding is of an excellent spirit.27 Siyang nagtitipid ng kaniyang mga salita ay may kaalaman: at siyang may diwang malamig ay taong naguunawa.
28 Even a fool, when he holdeth his peace, is counted wise: and he that shutteth his lips is esteemed a man of understanding.28 Ang mangmang man, pagka siya'y tumatahimik, ay nabibilang na pantas: pagka kaniyang tinitikom ang kaniyang mga labi, ay inaari siyang mabait.