| 1 As snow in summer, and as rain in harvest, so honour is not seemly for a fool. | 1 Kung paano ang niebe sa taginit, at kung paano ang ulan sa pagaani, gayon ang karangalan ay hindi nababagay sa mangmang. |
| 2 As the bird by wandering, as the swallow by flying, so the curse causeless shall not come. | 2 Kung paano ang maya sa kaniyang paggagala, kung paano ang langaylangayan sa kaniyang paglipad, gayon ang sumpa na walang kadahilanan ay hindi tumatalab. |
| 3 A whip for the horse, a bridle for the ass, and a rod for the fool's back. | 3 Ang paghagupit ay sa kabayo, ang paningkaw ay sa asno, at ang pamalo ay sa likod ng mga mangmang. |
| 4 Answer not a fool according to his folly, lest thou also be like unto him. | 4 Huwag mong sagutin ang mangmang ng ayon sa kaniyang kamangmangan, baka ikaw man ay maging gaya rin niya. |
| 5 Answer a fool according to his folly, lest he be wise in his own conceit. | 5 Sagutin mo ang mangmang ayon sa kaniyang kamangmangan, baka siya'y maging pantas sa ganang kaniya. |
| 6 He that sendeth a message by the hand of a fool cutteth off the feet, and drinketh damage. | 6 Siyang nagsusugo ng pasugo sa pamamagitan ng kamay ng mangmang naghihiwalay ng kaniyang mga paa, at umiinom sa kasiraan. |
| 7 The legs of the lame are not equal: so is a parable in the mouth of fools. | 7 Ang mga hita ng pilay ay nabibitin: gayon ang talinghaga sa bibig ng mga mangmang. |
| 8 As he that bindeth a stone in a sling, so is he that giveth honour to a fool. | 8 Kung paano ang isa'y nagbabalot ng isang bato sa isang lambanog, gayon ang nagbibigay ng karangalan sa mangmang. |
| 9 As a thorn goeth up into the hand of a drunkard, so is a parable in the mouth of fools. | 9 Kung paano ang tinik na tumutusok sa kamay ng lango, gayon ang talinghaga sa bibig ng mga mangmang. |
| 10 The great God that formed all things both rewardeth the fool, and rewardeth transgressors. | 10 Kung paano ang mamamana sumusugat sa lahat, gayon ang umupa sa mangmang at umuupa sa pagayongayon. |
| 11 As a dog returneth to his vomit, so a fool returneth to his folly. | 11 Kung paano ang aso na bumabalik sa kaniyang suka, gayon ang mangmang na umuulit ng kaniyang kamangmangan. |
| 12 Seest thou a man wise in his own conceit? there is more hope of a fool than of him. | 12 Nakikita mo ba ang taong pantas sa ganang kaniyang sarili. May higit na pagasa sa mangmang kay sa kaniya. |
| 13 The slothful man saith, There is a lion in the way; a lion is in the streets. | 13 Sinabi ng tamad, may leon sa daan; isang leon ay nasa mga lansangan. |
| 14 As the door turneth upon his hinges, so doth the slothful upon his bed. | 14 Kung paano ang pintuan ay pumipihit sa kaniyang bisagra, gayon ang tamad sa kaniyang higaan. |
| 15 The slothful hideth his hand in his bosom; it grieveth him to bring it again to his mouth. | 15 Idinadampot ng tamad ang kaniyang kamay sa pinggan; napapagod siyang dalhin uli sa kaniyang bibig. |
| 16 The sluggard is wiser in his own conceit than seven men that can render a reason. | 16 Ang tamad ay lalong pantas sa ganang kaniyang sarili kay sa pitong tao na makapagbibigay katuwiran. |
| 17 He that passeth by, and meddleth with strife belonging not to him, is like one that taketh a dog by the ears. | 17 Ang nagdaraan, at nakikialam sa pagaaway na hindi ukol sa kaniya, ay gaya ng humahawak ng aso sa mga tainga. |
| 18 As a mad man who casteth firebrands, arrows, and death, | 18 Kung paano ang taong ulol na naghahagis ng mga dupong na apoy, mga pana, at kamatayan; |
| 19 So is the man that deceiveth his neighbour, and saith, Am not I in sport? | 19 Gayon ang tao na nagdadaya sa kaniyang kapuwa, at nagsasabi, hindi ko ba ginagawa sa paglilibang? |
| 20 Where no wood is, there the fire goeth out: so where there is no talebearer, the strife ceaseth. | 20 Sapagka't sa kakulangan ng gatong ay namamatay ang apoy: at kung saan walang mapaghatid-dumapit ay tumitigil ang pagkakaalit. |
| 21 As coals are to burning coals, and wood to fire; so is a contentious man to kindle strife. | 21 Kung paano ang mga uling sa mga baga, at ang kahoy sa apoy; gayon ang taong madaldal na nagpapaningas ng pagkakaalit. |
| 22 The words of a talebearer are as wounds, and they go down into the innermost parts of the belly. | 22 Ang mga salita ng mapaghatid-dumapit ay parang mga masarap na subo, at nagsisibaba sa mga pinakaloob na bahagi ng tiyan. |
| 23 Burning lips and a wicked heart are like a potsherd covered with silver dross. | 23 Mga mapusok na labi at masamang puso ay parang sisidlang-lupa na nababalot ng dumi ng pilak. |
| 24 He that hateth dissembleth with his lips, and layeth up deceit within him; | 24 Ang nagtatanim ay nagpapakunwari ng kaniyang mga labi, nguni't siya'y naglalagay ng pagdaraya sa loob niya: |
| 25 When he speaketh fair, believe him not: for there are seven abominations in his heart. | 25 Pagka siya'y nagsasalitang mainam, huwag mo siyang paniwalaan; sapagka't may pitong karumaldumal sa kaniyang puso: |
| 26 Whose hatred is covered by deceit, his wickedness shall be shewed before the whole congregation. | 26 Bagaman ang kaniyang pagtatanim ay magtakip ng karayaan, at ang kaniyang kasamaan ay lubos na makikilala sa harap ng kapisanan. |
| 27 Whoso diggeth a pit shall fall therein: and he that rolleth a stone, it will return upon him. | 27 Ang humuhukay ng lungaw ay mabubuwal doon: at siyang nagpapagulong ng bato, ay babalikan nito siya. |
| 28 A lying tongue hateth those that are afflicted by it; and a flattering mouth worketh ruin. | 28 Ang sinungaling na dila ay nagtatanim sa mga sinaktan niya; at ang bibig ng kunwang mapagpuri ay gumagawa ng kapahamakan. |